Celebrities,Music,News,Fashion,Entertainment,TV Shows

Wednesday 16 January 2013

Kathryn Bernardo on Daniel Padilla's "panunuyo": "Kung willing maghintay at kung sincere, bakit naman hindi, ‘di ba?"


Nang tanungin si Daniel Padilla kung ano ang gagawin niya sakaling paghiwalayin sila ni Kathryn Bernardo bilang magka-loveteam, "Kailangan ko pong intindihin yung mga pangyayaring ganyan. Siyempre, hindi ko naman po mapipigilan yung mga ganun. Siyempre mga boss na po ang may gusto nun. E, bahala na po ang Diyos kung anong gagawin niya sa ‘kin," sagot niya.




Sa unang bahagi ng panayam, nag-iwan ang isa sa mga hosts— ang associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Rommel Llanes— ng isang tanong.

Ano na nga ba ang status ng relationship ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?
Ang sagot ng binata, “Saktong panunuyo lang.
“Hindi naman effort na masyado pa kong nagmamadali na nanliligaw na…
“Talagang ngayon, friends lang po kami.
“Masaya po kami na magkaibigan.”
Rommel: Hanggang dun lang ba talaga muna?
Daniel: “Tignan po natin, pag legal na po tayo. Bawal pa po ngayon.”
Nag-follow up question ang managing editor ng YES! na si Anna Pingol ng tanong na,  “Kailangan 18?
Daniel: “Hindi, mga ano…mga 35,” biro ni Daniel.
Pagseseryoso nito, “Mga twenty-plus pa po yun.
Anna: Sinabi mo before, willing kang maghintay, di ba?
Daniel: “Opo.”

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Blog Archive