Celebrities,Music,News,Fashion,Entertainment,TV Shows

Thursday 17 January 2013

Daniel Padilla, kinaiinggitan na ang sobrang kasikatan


SIKAT NA sikat talaga sa ngayon si Daniel Padilla, dahil gustong-gusto siya ng kapwa niya mga bagets na fans, lalaki man o babae. Pero sa taong 2013, marami pa siyang dapat na patunayan para masabing siya na nga ang bagong mamahalin ng masa at magiging number one sa showbiz.
Kumita man sa takilya ang Sisterakas ng Star Cinema na kasama sila ni Kathryn Bernardo ay masasabi pa ring pelikula talaga iyon nina Vice Ganda, Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino.
Mabait naman si Daniel at simple lang siyang binatilyo sa loob ng kanilang tahanan, dahil pinatutunayan ng kanyang Mommy na si Karla Estrada na ayaw ng kanyang anak na binibigyan siya ng special treatment porke’t artista siya.
Ang gusto raw ni Daniel ay kung papaano siya itinatrato ng kanyang pamilya noon, ganu’n pa rin dapat ngayon. Kahit maraming tao ang nagsasabi sa kanilang pamilya na sikat na sikat na nga ang young actor.
Dahil sa pagiging masunuring anak at mabait na kapatid ni Daniel, kaya maganda ang karma niya na magkaroon ng magandang career. Kailangan lang makagawa talaga siya ng mga proyekto kahit magkapareha sila ni Kathryn, na silang dalawa ang magdadala para kumita iyon sa takilya. Para mapatunayan niyang hindi nagkakamali ang kanyang mga tagahanga na suportahan siya sa kanyang career, kaya napaka-popular niya ngayon na kinaiinggitan ng ibang bagets sa bakuran ng ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Blog Archive